Ayon sa pinakabagong pag-aaral, ang mga babae na nakakaranas ng Migraine ay mas mataas ang tsansa na magkaroon ng Cardiovascular diseases. Diumano, ang mga babaeng madalas magka-Migraine ay pwedeng ma-Stroke o ma-Heart attack kumpara sa mga hindi nakakaranas ng naturang kondisyon.

Ayon sa lead researcher na si Tobias Kurth, kinakailangang malunasan agad ang migraine dahil konektado ito sa cardiovascular disease, partikular na sa kababihan.

Ayon sa World Health Organization, ang headache disorder ay isa sa pinaka karaniwang problema sa nervous system. Tinatayang kalahati ng adult population ang sumasakit ang ulo madalas sa isang taon.

migraine
Source: http://www.unocero.com

 

Advertisements