coffee
Image Source: reelsmillbank.com

Hindi totoong sanhi ng Cancer ang kape. Pahayag ito ng World Health Organisation kontra sa mga pag-aaral na nagsasabing posibleng magka-Cancer ang mga taong umiinom ng kape. Sa mga naunang pag-aaral, sinasabing ang kape ay Carcinogen.

Ayon sa mga eksperto ng International Agency for Research on Cancer, walang ebidensya na nagpapatunay na nakaka-cancer ang kape. Pinanindigan ng Epidemiologist mula sa Oxford University na si Owen Yang na hindi lapitin sa Cancer ang mga umiinom ng kape.

Pinag-aaralan na rin ngayon ng health experts ang kaugnayan ng pag-inom ng kape sa tumaas na bilang ng kaso ng Esophageal cancer sa iba’t ibang bansa. Gayunpaman, ayon sa latest report ng International Agency for Research on Cancer (IARC), ang pag-inom ng sobrang init na inumin ang posibleng sanhi ng naturang Cancer sa Esophagus.  Ang Esophagus ay ang tinatawag na ‘food pipe’ sa gitna ng lalamunan at tiyan.

 

Advertisements