curry mouthguard
Image Source: nytimes.com

Naka-auction ang mouth guard ni Steph Curry, sa isang California based company na SCP sa halagang $5,000 o katumbas ng Php231, 767.

Ayon sa Vice-President ng California-based auction house, ang naturang transparent mouthguard ay may logo ng Warriors at nakasulat pa ang pangalan ni Curry at ang numero.

Sa isang guesting nito sa show ni Jimmy Kimmel, sinabi ni Curry na nagpapalit siya ng mouthguard kada tatlo o apat na laro.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na may personal sports items na kasali sa auction. Noong 2013 ay nai-auction din ang mouthguard na ginamit ni Muhammad Ali sa halagang $6,700. (MN)

Advertisements