heart
Source: http://www.drrathresearch.org/index.php?option=com_k2&view=item&id=72%3Athe-importance-of-minerals-in-optimum-function-of-the-heart-and-other-muscles&Itemid=777

Nakakamatay ang chronic diseases ngunit ang sanhi nito ay kakulangan ng bitamina micronutrients, at probiotics. 1747 pa nang madiskubre ni Dr. James Lind, isang British sailor ang sakit na scurvy o kakulangan ng vitamin C. Sa malalim na pananaliksik ng Dr. Rath Research Institute, ang micronutrients ay napakahalaga sa kalusugan ng puso, bawat minuto ang puso ay nagbubomba ng limang litro ng dugo sa buong katawan.

Batay sa mga nakaraang pag-aaral ang mga nagkakasakit sa puso ay mayroon ding scurvy dahil kulang sa vitamin C. Sintomas ng scurvy ay pakiramdam na palaging pagod, pamamaga ng gilagid, panghahapo at pagiging iritable.

Batay sa Journal of the American College of Nutrition, sa nakalipas na limampong taon, bumaba na ang pagkunsomo ng vitamin C ng mga tao dahil na rin sa maling pamamaraan ng pagtatanim na may halong pesticide at kemikal na pumupuksa ng mahalang micronutrients at probiotics sa mga pananim.

Dagdag pa dito ang chronic micronutrient deficiency ay mauuwi sa atake sa puso at pagkamatay. Samantala, ang probiotics na source ng good bacteria ay may enzymes para sa proper digestion, sang-ayon din ang World Health Organization na ang probiotics ay susi sa optimum health. Sa loob ng gastrointestinal tract ay may apatnaraang klase ng bacteria.

Ang probiotics ay makukuha mula sa fermented na inumin at pagkain kagaya ng yogurt, soy milk, gatas ng kambing, sabaw na miso, at tsokolate. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa bitamina at mineral, basahin ang Coaching on Holistic Healing na health book ni Dok Edgar Delibo o bumisita sa sa www.dokalternatibo.org. (JQ)

Advertisements