more fun in the philippines
Image source: gelsantosrelos.typepad.com

Pananatilihin ng Duterte administration ang kasalukuyang Slogan na “It’s more fun in the Philippines”, na siyang naging daan para dumami ang mga bumibisitang turista sa bansa. Ito ay ayon kay incoming Tourism Secretary Wanda Corazon Teo.

Ayon kay Teo, hindi na nila ito papalitan dahil nakapanghalina na ito ng mga turista na bumisita dito sa Pilipinas.

Base sa data mula sa DOT, nakapagtala ng tourism revenues na nagkakahalaga ng P18.92-billion sa unang apat na buwan ngayong taon. At nakapagtala rin ng mahigit dalawang-milyong tourist arrivals.

Itinanggi naman ni Teo na napili siya ni President-elect Rodrigo Duterte dahil kapatid nto ang journalist na si Mon Tulfo, na kaibigan naman ni Duterte. Ayon sa kanya, dalawampung taon na siya sa tourism business kaya alam niya ang pasikot-sikot ng naturang industriya.

Upang mas mapaganda pa ang mga daan patungo sa mga tourist spot ay hihingi umano siya ng tulong kay incoming DPWH Secretary Mark Villar, bagay na tinugonan naman nito.

Advertisements