wallet charger

Kapag na-lowbat, aburido ang isang tao dahil kailangan pang maghanap ng outlet para makapag-charge. Dagdag sakit sa ulo naman kapag nakalimutan ang charger. O di kaya ay may importanteng tatawagan o katext pero biglang namatay ang cellphone.

Para sa mga iPhone users… may bagong imbensyon ngayon kung saan pwede nang makapag-charge gamit ang wallet.

Sa mga iPhone users, pwede nang gumamit ng wallet na gawa ng NOMAD. Ito ay may built-in, non-removable battery pack na pwedeng makapag-charge. May capacity ito na makapag fully charge ng iPhone 6.

Ang wallet din ay may quality dahil ito ay gawa sa supreme-quality leather.

Aabot ang halaga nito sa $150.

Advertisements