mahirap pilipino
Image Source: todosabongga.blogspot.com

Sa pinakahuling pag-aaral ng World Bank, ipinakita nito na nananatiling mahirap ang mga Pilipino kahit pa may trabaho. Sa kanilang report na “Labor Market Review: Employment and Poverty in the Philippines”, maraming trabaho ang nai-alok sa loob ng sampung taon, ngunit parin ay underemployed. Ang mga underemployed ay mga trabahante na gusto pang maglaan ng karagdagang oras sa trabaho o di kaya ay gustong maghanap ng iba.

Ayon kay Lead Economist Jan Ruthowski, ang pagpapababa ng Poverty level ay isang malaking hamon na kinakaharap ng Labor sector ng bansa.

Dagdag pa sa report, 30% ng mga trabahante sa mga nakapagtapos ng secondary education ay nagtatrabaho lamang bilang mga laborer at iba pang trabaho na hindi nangangailangan ng Skills. May kakulangan din sa magagandang trabaho na mataas ang sweldo.

Una rito, nagpalabas ng data ang Philippine Statistics Authority na bumaba ang Unemployment rate, ngunit tumaas naman ang underemployment rate.

Advertisements