listen music
Image source: http://www.jessicashealthblog.com

Lumalabas sa mga pag-aaral na ang pakikinig ng musika ay isang pamamaraan ng healing lalo na kapag nakakaranas ng emotional at mental stress. Marami rin ang nakikinig ng musika kapag nalulungkot o nade-depress dahil nagpapakalma ito ng pakiramdam.

May iba rin na kapag malungkot ay malungkot din na musika ang pinakikinggan. Ang tanong ngayon ay mabuti ba ang pakikinig ng malungkot na kanta kapag ikaw din ay nalulungkot?

Ayon sa pinakabagong pag-aaral. Oo, nakakabuti ang pakikinig ng malulungkot na kanta lalo na kung heartbroken. Ayon sa mga mananaliksik, ang pakikinig nito ay pwedeng pleasure, comfort at pain.

Ayon sa lead researcher na si Tuomar Eerola mula sa Durham University sa England,hindi rin malinaw sa Music Psychology kung bakit may gustong makinig ng malungkot na kanta kahit pa ang tao mismo ang malungkot.

Gayunpaman, marami rin ang ayaw makinig ng malungkot na kanta dahil bumabalik ang mga pangit na karanasan at mga masasakit na ala-ala.

Advertisements