google logo
Image Source: http://www.calendariu.com

Marami na ngayon ang naghahanap ng gamot sa pamamagitan ng Internet. Halimbawa ay ang sakit sa tiyan. Pwedeng pwede nang i-google ang gamot dito.

Ayon sa Google, isang porsyento ng internet search ay “symptom-related” ngunit ang inilalabas ng online health results ay mga malalang sakit na sanhi ng takot sa mga netizens.

Ipinahayag ng Google na ina-upgrade nila ang kanilang health results para sa kanilang mobile application, sa pakikipag-ugnayan narin sa Harvard Medical School.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon na ng box sa taas ng search results upang makatulong sa mga users para sa mas tugmang resulta. Ngunit paglilinaw ng Google, hindi ito substitute para sa opinyon ng mga eksperto at doktor.

Una itong ipatutupad sa United States sa mga susunod na araw at inaasahan nilang ipatutupad din ito sa ibang bansa sa iba’t-ibang linggwahe.

Advertisements