liver
Male liver anatomy with digestive organs| Image Source: davincilabs.com

Ang pagkain ng masustansya at balanseng dyeta ay makakatulong upang ma-maintain ang tamang timbang. Ito rin ay daan para maging maayos ang digestion process upang mapababa ang Cholesterol, na makabubuti sa liver o atay.

Ang atay ang pangalawa sa tinaguriang ‘largest organ’ sa katawan na nagtatrabaho 24-oras. Tinatawag din itong gatekeeper of the body.

Ilan sa mga superfoods para sa atay ay ang: Lemon. Isa itong natural cleansing food na mayaman sa antioxidants at Vitamin C.  Isa rin sa mga superfoods ang Turmeric dahil may Curcumin ito na anti-inflammatory, at anti-oxidative.  Ang bawang naman ay puno ng allicin at selenium, na magbibigay ng nutrisyon sa atay. Makakatulong din ang Broccoli na mayaman sa Calcium, Potassium, Folate, Fibre at Phytonutrients.

Ilan pa sa mga pagkain na pwedeng kainin ay: Carrots, Kamatis, Avocado, at Apple.

Ayon sa World Health Organization, nakaka-apekto ang Fatty Liver Disease sa halos tatlumpong porsyento ng populasyon. Mas lalala pa ito kapag overweight ang isang tao. Kaya payo ng mga eksperto na ugaliing mag-ehersisyo at iwasan ang mga inuming mataas ang alcohol content at mga pagkaing siksik sa kolesterol.

Advertisements