antioxidants
Source: http://www.nutraingredients.com

Isa sa bawat anim na lalaki ay nagkakaroon ng prostate cancer o labing limang porsyento ng kalalakihan ay may prostate cancer. Sanhi ito ng oxidative stress o sobra-sobra ang toxins sa loob ng katawan. Kaya naman ayon sa research ng University of Connecticut at Roswell Park Cancer Institute ang mga lalaki na naninigarilyo, walang ehersisyo at mahilig sa unhealthy foods kagaya ng energy drink at junk foods ay may mataas na tsansa na magkaroon ng prostate cancer.

Ang antioxidants na mula sa prutas at gulay ay mabisa laban sa cancer dahil aktibo ang antioxidants sa oxidations at pumupuksa ng free radicals sa katawan. Mabisang antioxidants sa katawan ayon kay Dr. Joseph Mercola ay ang isda, prutas na may vitamin C, gulay na mayaman sa carotene, sili at mani. Dagdag pa dito ang tamang ehersisyo, pag-iwas sa stress at sapat na tulog.

Ang antioxidants ay hindi lamang nakakatulong laban sa cancer dahi nakakabata rin ito lalo na sa mga lalaki, kinumpirma ito ng American Journal of Epidemeology. Suportado ng European Journal of Nutrition ang pag-inom ng mga lalaki ng vitamin C at supplements na mayaman sa antioxidants, 48% na makakaiwas sa cancer at mabilisang pagtanda ang mga umiinom at kumakain ng antioxidant –rich food.

Ayon naman sa librong A Coaching on Holistic Healing, ang mga pagkaing nagpapabilis sa pagtanda ay mga processed food, junk food, hydrogenated trans fats at fast food. (JQ)

Advertisements