honey
Mahalaga sa mga adult ang micronutrients ngunit para sa mga bata kailangan nila ang macronutrients kagaya ng carbohydrates, protein at fat. Sa dumaraming vitamins na ibenebenta upang tumangkad ang mga bata, mahalaga pa rin ang calcium dahil ito ang sumusuporta para sa paglaki ng mga buto hanggang 1,300 milligrams ng calcium ang kailangan ng mga bata araw-araw upang maging matangkad at matibay ang buto.

Kailangan rin ang vitamin D mula sa gatas, natural orange juice at itlog dahil ito ang kapartner ng calcium sa matibay na buto, makukuha rin ito mula sa sinag ng araw. Huwag rin kalimutan ang phosphorus na mula sa berdeng gulay dahil ito ang nagbibigay ng enerhiya at mahalaga sa pagbalanse ng hormones. Sa mga batang nasa edad na apat hanggang walong taong gulang, kailangan nila ng 500 milligrams ng phosphorus araw-araw.

Samantala, itinuturing ng National Honey Board na natural energy-boosting ang honey dahil meron itong 17 grams ng carbohydrates bawat kutsarita. Kaya naman ginagawa itong natural vitamins ng mga ina at ipinapainom sa mga bata, nakakatulong rin ito sa memorya at mayaman pa sa antioxidants kaya rekomendado rin para sa mga babaeng nasa menopausal stage.

Inilathala naman sa Journal of Pediatrics na natural cough suppressant ang honey o gamot sa ubo, nagpapaganda rin ng kalidad ng tulog. Isa rin sa amazing health benefits ng honey ay ang kakayanan nitong maging natural anti-dandruff na kinumpirma ng European Journal of Medical Research. (JQ)

Advertisements