banana
Source: https://authoritynutrition.com/11-proven-benefits-of-bananas/

Kabilang sa di mabilang na benepisyo ng saging, ang kakayahan nito na mapababa ang blood sugar level. Mayaman ito sa fiber na pectin at nagpapababa sa blood sugar. Kapag ginawa itong banana cider sa pamamagitan ng fermentation hindi nawawala ang mahalagang sustansya na nasa saging.

Ang banana cider ay may potassium, iron at vitamin c. Sagana sa saging ang Southeast Asia kaya naman marami nito sa Pilipinas at ayon pa sa Authority Nutrition, ang saging ay nagkokontrol ng blood pressure, mabuti rin para sa puso, kidney at may antioxidants pa.

Ang Banana cider ay katulad din ng preskong prutas ang benepisyo, ngunit dahil sa fermentation ay nagkakaroon ito ng karagdagang probiotics. Samantala, ayon sa Dr. Rath Research Institute, ang trace minerals na zinc, iron, selenium at copper ay makakatulong upang malabanan ang common colds ngayong tag-ulan. Makukuha naman ang natural trace elements mula sa sea salt. Ang zinc, halibawa ay mabisa laban sa skin disease at impeksyon. Ang copper naman ay mainam para sa produksyon ng haemoglobin at pinupuksa naman ng selenium ang free radicals na sanhi ng cancer. (QJ)

Advertisements