papaya

Papa-yeah!

Buong taon sagana ang Pilipinas sa papaya dahil isa itong tropical fruit katulad ng saging. Bukod sa nasa paligid lamang ito, hindi mabilang ang sustansya na nasa papaya kagaya ng vitamin c, folate, fiber at vitamin A.

Kinumpirma ng Archives of Ophthalmology na vitamin A mula sa papaya ay mabisa laban sa macular degeneration o panlalabo ng paningin. Ang kakulangan ng vitamin A, C, E at antioxidants ang sanhi ng panlalabo ng paningin. Dagdag pa sa pag-aaral, mabuti para sa puso ang papaya, may anti-inflammatory effect, nagpapatibay ng immune system, at mayaman sa fiber upang makaiwas sa colon cancer

. Samantala, ang kakulangan sa tulog ay sanhi ng cancer at lubhang nakakasira sa kalusugan ito ang kinumpirma ng isang pag-aaral. Mas malaki ang tsansa na magkaroon ng breast cancer ang mga babaeng nagtatrabaho tuwing gabi o nasa night shift. Ayon pa rin sa kanilang datos, 20% mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng cancer ang mga taong kulang sa tulog kahit pa masustansya ang mga kinakain nila. Nakita sa kanilang pananaliksik na kapag nasira ang body clock o internal rhythm ay mauuwi ito sa maraming sakit.

Kulang rin sa vitamin D ang mga nasa night shift. Sinabi ni Dr. Michael Hastings mula sa UK Medical Research Council kinukonsidera nila na ang pagbago ng circadian rhythm ay magiging sanhi ng cancer at nararapat lamang na maging conscious sa timbang ng katawan at mga pagbabago sa katawan. Mahalaga rin na iwasan ang stress dahil sanhi rin ito ng mabilis na pagkalat ng cancer. (JQ)

Advertisements