probitics

May dalawang uri ng bacteria, ang good at bad bacteria, ang good bacteria ay makakatulong sa kalusugan.

Ang ama ng probiotics ay si Elie Metchnikoff at nadiskubre niya ang kahalagahan ng probiotics sa Bulgaria kung saan ang good bacteria ay nagpapahaba ng buhay ng tao. Ayon sa International Scientific Association for Probiotics makakatulong ang fermented food upang maiwasan ang constipation, obesity at diabetes.

Napakalaki naman ng maitutulong ng probiotics sa pagpapalakas ng immune system at sa mga babaeng nakakaranas ng postmenopausal syndrome, dagdag pa dito ang probiotics rin ay mahalaga sa buto. Ang natural probiotics ng ina ay nadadala ng sanggol ngunit ang mga ipinanganak sa pamamagitan ng caesarean section ay may mababang microorganisms kaya naman ang mas madali silang nagkakaroon ng allergies at infection.

Dahil sa maling pagkain, stress, kakulangan sa tulog, at maging ang pag-inom ng antibiotics ay nagpapahina sa immune system at nagpapalakas sa bad bacteria. Kapag walang good bacteria sa katawan, nagkakaroon ng problema sa atay at nagkakaroon pa ng arthtritis.

Makukuha ang probiotics sa whole wheat germ, fermented na pagkain at inumin at maging sa healthy bread na walang white flour at lard kagaya ng memo bread. Ang whole wheat germ naman ay mainam para sa colon dahil ang probiotics ay katambal rin ng fiber upang makaiwas sa colon cancer ayon pa sa Harvard Medical School. (JQ)

Advertisements